Muli nang binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) kanina ang pag-iisyu ng voter’s certification para sa mga local at overseas voters, isang linggo matapos masunog ang pangunahing opisina nito sa Intramuros, Manila.
Ayon kay COMELEC acting Spokesperson John Rex Laudiangco, handa na ang kanilang Election Records and Statistics Department at Office for Overseas Voting na magpatuloy sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa voter’s certification.
Mababatid na ang voter’s certification ay isang dokumento na nagsisilbing pansamantalang voter’s ID sa kahilingan ng rehistradong botante na may bisa sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pag-isyu nito.