Aabot na sa 37, 942 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nakapagtala ang Department of Health ng karagadagang 4, 203 COVID-19 cases kahapon.
Ito na ang ika-limang sunod na araw na mahigit 4, 000 ang mga bagong kasong naitatala sa bansa.
Sumampa naman sa 3, 808, 156 ang total case load, kabilang ang 3, 709, 377 recoveries at 60, 837 death toll.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinaka-mataas na bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 16, 003;
Sinundan ito ng CALABARZON, 10,229; Central Luzon, 5,226; Western Visayas, 2,819 at Central Visayas, 2,234.