Kinondena ni US President Joe Biden ang nangyaring pagpatay sa apat na muslim sa Albuquerque, New Mexico.
Sa Facebook post, ikinagalit at ikinalungkot ni Biden ang pangyayari habang patuloy pang naghihintay sa imbestigasyon.
Ipinagdasal din ni Biden ang mga biktima kasabay ng pakikiramay nito sa pamilya ng mga nasawi.
Ayon kay Biden, ang ganitong uri ng pag-atake ay walang puwang sa kanilang bansa.
Tiniyak naman ni Biden ang matibay na pakikisama o pakikiisa ng kaniyang administrasyon sa Muslim Community.