Nagwagi via unanimous decision matapos magawang madepensahan ni Filipino Olympic Boxer Charly Suarez ang kanyang WBA Asia Super Featherweight title laban sa kababayang si Mark John Yap sa kanilang naging laban na ginanap sa Parañaque City.
Nabatid na pumabor ang mga hurado kay Suarez sa iskor na 120-108; 120-108 at 118-110 sa kabila ng pagpapakita ni Yap sa kanyang veterans moves.
Nakontrol ni Suarez ang laban dahilan para mapanatili ang malinis na record sa 12 panalo.