Nananatili ang Alert Level 1 sa Israel.
Ayon ito sa DFA matapos magdeklara ng tigil putukan ang gobyerno nito at mga militanteng palestino.
Umaasa ang DFA na magtutuluy tuloy na ang ceasefire para na rin sa katahimikan ng gaza strip at ng lahat.
Ang ceasefire kung saan nagsilbing mediator ang Egypt ay idineklara nuong Linggo ng Israel at Palestinian Jihad Militant Group matapos ang ilang araw na air strikes at rocket attacks.
-ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45), at sa panulat ni Judith Estrada- Larino