Nadagdagan pa ang halaga ng nalikom na pondo mula sa 50th birthday celebration ni Senador Sonny Angara na ginanap noong Sabado.
Sa isang tweet, ibinahagi ng senador na patuloy na dumadating ang mga donasyon at malapit na itong umabot sa P5M
Una rito, sinabi ng Communications Director ni Angara na si Dennis Legaspi, na ang naturang pagdiriwang ay isang ‘birthday with a cause’ kung saan, ang malilikom mula rito ay mapupunta sa philippine general hospital medical foundation.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang selebrasyon noong Sabado sa Manila Polo Club sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Lisa Araneta-Marcos, ilang mga senador gaya nina Jv Ejercito, Win Gatchalian, Raffy Tulfo at PGH Director Gerardo Legaspi.