Binuksan na ng Italy ang kanilang vaccination program laban sa monkeypox.
Ito ay kasunod ng pagtaas ng kaso ng nasabing sakit at ang pangamba ng health ministry sa posibleng pagkaubos ng mga bakuna.
Mababatid na una nang naiulat na sumampa na 545 ang kabuuang bilang ng kaso ng monkeypox ang naitala sa naturang bansa.
Samantala, isinagawa ang unang pagbibigay ng monkeypox vaccines sa Spallanzani Hospital sa Rome.