Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan kasunod ng ulat na ilang guro ang nagso-solicit ng mga materyales na gagamitin sa Brigada Eskwela.
Ayon sa DepEd, hindi dapat tumanggap ng pera o mag-solicit ang Public school officials mula sa mga magulang at stakeholders, alinsunod sa DepEd Order 062.
Ang Brigada Eskwela anila ang tutugon sa mga learning resource gaps na gagawin sa pamamagitan nang pagpapalakas ng ugnayan sa mga local at national level.
Noong August 1 sinimulan ng DepEd ang nationwide Brigada Eskwela para sa School Year 2022-2023.
Sa ilalim nito gagawin ang paglilinis, pagpipintura at pagkukumpuni ng mga sirang gamit sa mga public schools, bilang bahagi ng preparasyon sa muling pagbubukas ng klase.