Patay ang 21 indibidwal matapos ang isinagawang pag-atake ng isang militanteng grupo sa Tesit, Mali.
Ayon sa mga otoridad, apat sa mga nasawi ay pawang mga sibilyan habang 17 sa mga ito ay mga sundalo.
Mababatid na nagsimula ang kaguluhan sa mali noong 2012 ngunit hanggang ngayon ay mayroon pa ring banta sa seguridad ng bansa ang mga militanteng grupo tulad ng Al-Qaeda, ISIL, at ISIS.
Samantala, inaasahan pang tataas ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa insidente lalo pa’t may siyam na sundalo at mga sibilyan pang naiulat na nawawala.