Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 1,178 na kaso ng leptospirosis sa bansa.
Nabatid na 156 na ang pumanaw sa nasabing bilang na naitala mula Enero a-1 hanggang Hulyo a-23 ngayong taon.
Sinabi naman ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, na kasama ang naturang sakit sa wild diseases, na kadalaasan ay umaatake tuwing tag-ulan dahil sa pagbabaha.
Samantala, batay sa datos ng DOH 165 sa mga kaso ng leptospirosis ay mula sa Metro Manila, Cagayan Valley at Central Luzon.