Magtutuloy-tuloy ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na buwan.
Ito ang inihayag ni Department of Energy (DOE) Secretary Raphael Lotilla matapos tanungin kaugnay sa kung ano ang magiging lagay sa presyo ng langis sa susunod na anim na buwan.
Binigyang-diin naman ng kalihim na bagama’t hindi binanggit ang eksaktong halaga ng ibaba sa presyo ng langis ay magpapatuloy ang oil price rollback.
Matatandaan na muling nagtapyas kahapon ang mga kompanya ng langis ng average na dalawang piso sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.