Nangangamba ngayon ang bansang Britanya sakaling maubos ang suplay ng bakuna laban sa monkeypox virus.
Ayon sa national health services, posibleng umabot nalang ng dalawa hanggang tatlong linggo ang suplay ng mga bakuna laban sa naturang sakit kung saan, nasa mahigit 8,300 doses na lamang ang natitira.
Inaasahang sa huling bahagi pa ng Setyembre magkakaroon ng panibagong shipment na mayroong 100,000 doses ng bakuna.
Matatandaang nagkaroon ng global outbreak ng monkeypox dulot ng upsurge ng demand sa limitadong stock ng gamot sa buong mundo.
Samantala, una nang inihayag ng UK security agency na mayroong mga early signs na magpa-plateau na ang monkeypox outbreak sa kanilang bansa.