Pinag-aaralan na ng Department of Education ang posibilidad na palitan ang “outdated” at mamahaling laptops para sa mga guro na binili sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) noong 2021.
Inihayag ni DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa na may dalawa silang hakbang sa isyu ng P2.4 billion halaga ng mga laptop na binili sa gitna ng covid-19 pandemic.
Una anya ay internal na suriin ang laptop upang agad na magamit o magkasa ng legal remedies para rito.
Kabilang naman sa mga rekomendasyon ng Commission on Audit nang sitahin ang DepEd sa isyu ay i-evaluate ang concerns ng mga recipient sa kondisyon, performance at technical specifications ng mga laptop at makipag-ugnayan sa PS-DBM para sa tamang aksyon.
Sakaling hilingin ng DepEd ang warranty provisions ng laptop supplier, idinagdag ni Poa na susuriin nila kung mayroong magagawa hinggil sa mga laptop o kailangang agad palitan ang mga ito.