Napasama sa Best Under a Billion List ng Forbes Asia ang tatlong kumpanya mula sa Pilipinas.
Ito ang listahan na kumikilala sa 200 trade companies sa buong mundo na may benta na mababa sa isang bilyong dolyar.
Ang tatlong kumpanyang nasama sa listahan ay ang Col Financial Group, Crown Asia Chemicals Corporation at Eagle Cement Corporation.
Ang tatlong ito ay may benta na 27 hanggang 434 milyong dolyar kada taon.
Ilan pa sa mga kumpanyang napasama sa listahan ay mayroong koneksyon sa semiconductors, software and services, pharmaceuticals, healthcare, at manufacturing.