Patay ang dalawang pulis habang higit 800 preso ang nakatakas sa naganap na jailbreak sa Eastern Democratic Republic ng Congo.
Ayon kay Captain Antony Mualushayi, tagapagsalita ng militar sa Beni Region, isang armadong lalaki ang umatake sa Kakwangura Central Prison na nasa bayan ng Butembo.
Inisyal pa lamang ang bilang ng nasawi dahil inaalam pa kung namatay din ang umatake.
Nasa 872 inmates ang nakakulong sa Kakwangura Central Prison.
Pinag-aaralan naman ng mga otoridad kung kagagawan ng Mai-Mai Group ang nangyari na isang Ethnic Self-Defense Organization.