Suportado ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang panukalang paglalagay ng buwis sa Single-Use Plastics upang mabawasan ang polusyon sa bansa.
Ayon kay Director William Cuñado ng EMB, ang pagpataw ng buwis ay malaking tulong para maiwasan ang paggamit ng reusable packaging, at mabawasan ang mga basura na pangunahing nakukuha tuwing magkakaroon ng Coastal Clean-Up Campaign.
Bukod pa dito, ma-e-extend din nito ang buhay ng mga sanitary landfills, mas masusugpo ang polusyon ng plastik sa bansa, agad na matutugunan ang climate change at madagdagan ang kita ng gobyerno.
Sinabi din ni Cuñado, na ang implementasyon ng tax measure ay nangangailangan ng masusing deliberasyon kasama ang iba pang ahensiya ng gobyerno.
Samantala, umaasa din ang EMB Chief sa “Institutionalization” para sa circular economy, na may layuning mag-reuse, re-manufacture o recycle ng mga basura.
Sa ngayon, nakabinbin na sa kongreso ang House Bill 9171 o ang Excise Tax on Plastic Bags, na magsasampa ng P20 kada kilo na buwis sa mga single-use plastic bag sa mga supermarket, malls, tindahan, at iba pang establisyimento.