Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinikilala na ng European Union (EU) ang vaccine certificate ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, ang vaxcertph ay tinatanggap na ng European Union Digital COVID-19 certificate, habang ang mga mayroon naman ng naturang sertipikasyon mula sa Europa ay maaring makakuha ng digital verification sa mga port of entry ng Pilipinas.
Mababatid na nagkaroon ng bilateral na kasunduan ang Pilipinas at ang mga bansa sa Europa bago na-aprubahan ang nasabing vaxcertph.
Bunsod nito ay aabot na sa 94 na bansa at teritoryo sa buong mundo ang kumikilala na sa vaccination certificate ng Pilipinas.