Inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na isa sa mga napag-usapan sa pulong nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ng mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Miyerkules ay ang pagtitiyak na magiging abot-kaya ang presyo ng fertilizer o abono para sa mga magsasaka.
Ayon kay Angeles, layunin ng pamahalaan na mapataas pa ang productivity ng mga magsasaka at maprotektahan ang lahat sa industriya ng agrikultura ng bansa.
Matatandaan na una nang sinabi ng pangulo na makakabili ng mas murang pataba ang bansa, sa ilalim ng government to government deals.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa gobyerno ng China, Indonesia, United Arab of Emirates (UAE), Malaysia, at Russia para sa procurement ng fertilizers.