Sumampa na sa 18,557 ang kabuuang kaso ng dengue na naitala sa Central Luzon.
Batay sa datos ng DOH, ang probinsya ng bulacan ay nakapagtala ng pinakamataas na kaso sa bilang na 8,434 kumpara noong 2020.
May 3,522 na kaso naman sa nueva ecija, na mas mataas ng 81% sa bilang noong 2021, habang nasa 2,334 naman sa pampanga, 1,502 sa Zambales, 1,290 sa Tarlac at 819 na dengue cases naman sa Aurora.
Dahil sa mga bilang na ito ay naabot na ng Central Luzon ang epidemic threshold noon pang Abril.
Samantala, sa tala ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, 39 na ang nasawi dahil lulan ng naturang sakit mula Enero 1 hanggang Hulyo 23.