Pinaiimbestigahan na ng Department of Education (DepEd) ang insidente ng umano’y pagho-holdup at tangkang panggagahasa sa apat na guro sa Camarines Sur noong Martes.
Ayon sa DepEd, inatasan na nila ang Concerned Field Office na makipag-ugnayan sa mga otoridad para mapabilis ang imbestigasyon sa insidente.
Tiniyak din ng tanggapan na pagbibigay ng kinakailangang tulong para sa mga biktima, kabilang ang financial assistance at psychosocial intervention.
Sa ngayon, mayroon nang person of interest ang Ocampo Police sa nangyari habang iti-nurnover na ang kaso sa Women and Children Protection Desk.
Tiniyak naman ng Camarines Sur Police Provincial ang pinaigting na pagbabantay sa mga paaralan para matutukan ang nangyaring pangmomolestya o sexual abuse.