Nakakuha ng 90% Customer Satisfaction (CSAT) ang East Zone concessionaire Manila Water para sa taong 2021.
Isinagawa ang web-based survey noong November 22 hanggang December 28 2021 gamit ang isang structured questionnaire na sinagutan naman ng 960 respondents.
Ayon kay Jeric Sevilla, Manila Water Corporate Communication Affairs Group Head, natanggap nila ang naturang rating dahil pina-prayoridad nila na matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga customer.
Layunin aniya ng 2021 CSAT Survey na maintindihan ang level of satisfaction ng bawat customer sa mga core services at values ng naturang kumpanya.
Base sa resulta, ito ang pinakamataas na rating ng Manila Water mula noong 2017. —sa panulat ni Hannah Oledan