Pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mass oath-taking ng mga bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa Malacañang.
Unang ibinahagi sa social media ni presidential son at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang panunumpa ng mga bagong BTA members.
Kinumpirma naman nina Executive Secretary Victor Rodriguez at Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang oath-taking ceremony sa Palasyo na dinaluhan ni United Nations Resident Coordinator to the Philippines Gustavo González.
Masayang inihayag ng Pangulo na lahat ng mga miyembro ng BTA ay may intensiyong itaguyod ang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro region.