Naglalayong magbigay ng Therapeutic Environment ang Felicidad T. Sy Wellness Centers sa mga government hospital o mga health center upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga pasyente.
Ito rin ay upang mabigyan ng serbisyong pangkalusugan ang ilang sektor ng kumunidad tulad ng mga bata, matanda, may malulubhang sakit, sundalo, at mga Person With Disability (PWD).
Layon din nasabing wellness centers na tulungan ang mga community health facilities na maging PhilHealth accredited, mapabuti ang mga pasilidad nito at magbigay ng mga pangunahing kagamitan tulad ng
- Weighing scale para sa mga sanggol at matanda
- Examination table
- Dressing carriage, nebulizer machine at iba pa.
Pinalawig din ng Felicidad T. Sy Wellness Centers ang serbisyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pamamagitan ng pagrerenovate at pagpapabuti ng mga health facilites nito.
Nakatutulong din ang nabanggit na wellness center sa pag-decongest ng mga ospital sa mga pasyenteng may minor illness na maaring tugunan sa health center level na kung saan ito ay magbibigay daan sa mga ospital upang maituon ang pokus sa secondary at tertiary cases.
Sa ngayon, nasa 178 branches na ang Felicidad T. Sy Wellness Center na mayroong 62 pediatric and neonatal wards, 13 wellness centers for elderly, 38 AFP military health facilities, 4 PNP health facilities, at 56 community health centers at may limang special projects mula sa Leyte, Manila, Batangas, at Parañaque.