Paiigtingin pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang economic development, food security at health sector sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na ito ay sa pamamagitan ng pag-maximize ng mga effort ng scientists sa ilang ahensya ng kagawaran para mapalakas ang food security at self-sufficiency sa bansa.
Mandato rin aniya ng dost na maging gabay sa economic development ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaigting ng job creation at productivity increase ng mga industriya na kanilang tinutulungan.
Dagdag pa ni Solidum, hindi imposibleng magkaroon muli ng iba pang pandemic sa bansa kaya’t magtatayo ang kagawaran ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines, na gaya nabanggit sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, plano ni Solidum na dagdagan ng entrepreneurship skills ang mga siyentista at engineers para ma-convert ang kanilang kaalaman sa livelihood.