Aabot sa 152 pamilya ang nagpalipas ng gabi sa Evacuation Center sa Mandaue City, Cebu, matapos ang pag-apaw ng tubig ng Butuanon River.
Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nagmula ang mga evacuees sa Sitio Laray, Barangay Umapad na nakaranas ng pagbaha matapos ang malakas na ulan nitong Sabado.
Katumbas ang bilang ng higit 700 indibidwal, kung saan 208 ang kabataan at 18 ang matatanda.
Sa ngayon, ito na ang ikalimang pagbaha sa lugar.
Maliban sa pagbaha, nakapagtala rin ng landslides sa Sitio Tagaytay, Barangay Kalunasan at sa Purok 5, Barangay Camputhaw na sumira ng maraming kabahayan.