Patuloy pa rin ang pagbuga ng mainit na likido ng bulkang Taal sa Batangas.
Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) hanggang kaninang alas-otso ng umaga, umabot na sa 2,100 metrong plumes ang ibinuga ng bulkan.
Papalo naman sa 3,945 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan hanggang kahapon.
Maliban sa mainit na likido, nakitaan din ng volcanic smog o vog ang taal volcano na nakapaligid dito.
Sa huling tala, nakataas pa rin ang alert level 1 sa bulkang Taal pero wala nang naitalang pagyanig sa paligid nito.
Patuloy namang ipinagbabawal ang pagpasok sa apat ng kilometrong permanent danger zone ng bulkan lalo’t maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.