Itatago na ng National Basketball Association (NBA) ang Number 6 jersey ni Boston Celtics at Civil Rights legend Bill Russel, na pumanaw na nito lamang Hulyo a-31.
Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, si Russell ay may 11-time NBA champion at kauna-unahang Black Coach ng Liga.
Siya din ang unang player na nagretiro ng numero sa lahat ng buong teams sa NBA kung saan, deserve ng naturang icon na parangalan sa kakaiba at makasaysayang paraan na hindi mapapantayan ng tagumpay ng kahit na sino.
Ang pagiging superstar ni Russell noong 1950’s at 1960’s ay napili bilang All-star ng dose-dosenang beses sa loob ng kanyang 13 taon sa Celtics.
Bukod pa dito, naging sport’s leading voices din si Russell para sa Civil Rights at Social Justice sa United States.