Ikinatuwa ng mga tsuper at motorista ang tuloy-tuloy na pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa mga Jeepney Driver, malaking tulong ang patuloy na pagbaba sa presyo ng langis dahil unti-unti silang nakakabawi sa pagkalugmok lalo pa’t nalalapit narin ang pagbabalik ng face-to-face classes ng mga estudyante.
Sa pag-iikot ng DWIZ, inihayag ng mga tsuper na hindi sila makapagtaas ng pamasahe dahil marami din silang kalaban sa kanilang pamamasada.
Umaasa naman ang mga operator at drivers na madadagdagan na ang kanilang kinikita dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa susunod na buwan.