Sumampa na sa halos 4,000 ang average new daily COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, mula August 3 hanggang 9, aabot na sa 3,993 ang COVID cases o mataas ng 12% kumpara sa average noong nakaraang linggo.
Indikasyon din anya ito na halos na-doble ang seven-day moving average kumpara sa 2,258 cases per day noong Hulyo.
Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na nasa low risk pa rin sa COVID-19 ang Pilipinas.