Inanunsyo ng Hollywood actor at Spider-man star na si Tom Holland na pansamantala muna siyang magpapaalam sa mundo ng social media.
Ayon sa Instagram post ni Holland, nais niya munang bigyang importansya ang kaniyang mental health dahil sa stress dulot ng mga social media platforms tulad ng Twitter at Instagram.
Nabanggit din niya sa naturang post ang pagsuporta niya sa Charity Foundation na “STEM 4″ na isang programang pang-edukasyon na naglalayong tulungan ang mga kabataan upang pangalagaan ang kanilang mental health.
Bukod dito, nagpahayag din si Holland ng pasasalamat sa lahat ng natatanggap na suporta sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap niya.