Hahanapan ng Department of Education (DepEd) ng bagong paaralan ang mga estudyante nang magsasarang Colegio De San Lorenzo sa Quezon City.
Ayon ito kay Atty. Michael Poa, Spokesperson ng DepEd bagamat hindi nag abiso sa kanila ang nasabing eskuwelahan sa pagsasara nito.
Sinabi ni Poa na pipilitin nilang makakita ng mga eskuwelahang tatanggap sa mga estudyante ng Colegio De San Lorenzo kahit isang linggo na lamang ay simula na nang pasukan subalit may isang private school nang nag commit na i-a-absorb ang mga grades 11 at 12 na pareho rin ng matrikula ng San Lorenzo.
Nanawagan si Poa sa Colegio De San Lorenzo na kaagad ayusin ang paglilipat ng records ng mga estudyante at i-refund ang matrikula ng mga nakapag enrol na ngayong pasukan.