Posibleng maging available na sa Oktubre ang mga bagong henerasyon ng COVID-19 vaccines na nilikha upang labanan ang mga bagong sub-variants ng COVID-19.
Ayon kay Vaccine Expert Panel Chair Dr. Nina Gloriani, na sa ngayon ay ang mRNA vaccines, gaya ng Pfizer at Moderna ang madaling mapalitan ang komposisyon o ma-synthesize.
Nangangahulugan ito na posibleng sabay na maging available ang mga bakunang ito mula sa Estados Unidos sa Oktubre.
Ngunit ayon kay Gloriani, matatagalan pa bago makakuha ng new generation vaccine ang Pilipinas dahil kinanakailangan ng Emergency Use Authorization (EUA) application. – sa ulat ni Jopel Pelenio