Naghahanda na ang TNT Tropang Giga para sa finals ng PBA Philippine Cup 2022.
Kasunod ito ng matinding semifinal series ng Giga noong linggo kung saan, kanilang nilampaso ang Magnolia Hotshots sa Game 6, sa iskor na 87-74.
Ikinatuwa naman ni TNT head coach Chot Reyes ang big break ng giga bago ang Best-of-Seven title series.
Ayon kay Reyes, sapat ang kanilang players para paghandaan ang finals at naghihintay na lamang sila sa mananalo sa mangyayaring sudden-death mamaya sa pagitan ng Top Seed San Miguel at ng Meralco Bolts.
Sinabi ni Reyes na gagamitin ng TNT ang pagkakataon para makapaghanda “physically at mentally” para sa inaasahang mabigat na series na mas malaki ang nakataya.