Arestado sa buy-bust operation ang isang kawani ng pamahalaang lokal ng Cadiz sa Negros Occidental.
Kinilala ang suspek na si Charlie Bacroya, 43-anyos, na casual employee na nakatalaga sa City Veterinary Office sa Cadiz.
Ayon kay Cadiz City Police Chief Police Lt. Col. Gil John Despi, si Bacroya ay no. 2 priority target ng mga otoridad na matagal nang minomonitor dahil sa operasyon ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar.
Narekober sa suspek ang 1.8 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P12, 240 kasama ang ginamit sa operasyon na P500 marked money.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Bacroya.