Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may naitabing pondo ang pamahalaan, para sa pagbili ng bagong bakuna laban sa mga bagong variants ng COVID-19.
Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, bago pa kumalat ang mga bagong sub-variants ng virus ay nakapag-plano na ang DOH na maglaan ng pondo.
Sa Oktubre inaasahang ilalabas ng mga manufacturers ang bagong batch ng bakuna.
Gayunman, aminado si Vergeire na matatagalan pa itong mapamahagi sa publiko dahil kailangan pang mabigyan ng gobyerno ng Emergency Use Authorization ang mga manufacturer.
Una nang ikinabahala ni Vaccine Expert Panel, chairperson Nina Gloriani ang pag-usbong ng mga bagong COVID-19 variants sa bansa, na papalit sa Omicron.