Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 28 volcanic tremors sa Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ito ng 4 hanggang 12 minuto, kabilang ang low-level background tremor.
Nagbuga rin ang bulkan ng plumes na umabot sa 2, 800 meters ang na napadpad sa hilaga at hilagang-silangang direksyon.
Nagpakawala rin ito ng 4, 312 tonnes ng sulfur dioxide noong Martes.
Muli namang binalaan ng PHIVOLCS ang publiko hinggil sa posibleng panganib gaya ng steam-driven, phreatic o gas-driven explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas.
Sa ngayon, nananatili sa Alert level 1 o low-level unrest sa Taal Volcano.