Nasa 20K pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Ito’y sa ilalim ng programa ng Department of Transportation (DOTr) na Oplan Balik Eskwela 2022.
Batay sa inilabas na datos ng PCG, nasa 9, 992 outbound port passengers sa buong bansa ang kanilang namonitor.
Habang umaabot naman sa 10, 211 inbound port passengers ang kanilang naitala kung saan inaasahan ng PCG ang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na weekend.
Kaugnay nito, nasa 2, 269 ang idineploy na personnel ng PCG na magbabantay sa 15 distrito nito.
Sa ngayon, nananatiling naka-heightened alert ang lahat ng districts, stations at sub-stations ng PCG na magtatagal ng hanggang August 29, 2022.