Iniliabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang 24-man Gilas Pilipinas pool na sasabak sa 4th window ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers.
Pinangunahan ito nina June Mar Fajardo, CJ Perez, Chris Newsome, Alein Maliksi, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Arvin Tolentino, Robert Bolick at Jamie Malonzo.
Kabilang din sa listahan sina Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Francis Lopez, Roosevelt Adams, Kiefer Ravena, Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks Jr., Dwight Ramos, Kai Sotto, at naturalized player Jordan Clarkson.
Mababatid na nakatakdang lumipad sa Lebanon ang Gilas sa Agosto a-25 na susundan ng laban nila kontra Saudi Arabia sa darating na Agosto a-29 sa Mall of Asia Arena.