Pinaboran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang planong pagpapalawig ng state of public health emergency sa bansa hanggang sa huling buwan ngayong taon.
Ayon sa pangulo, maraming mga binibigay sa international medical community kapag state of emergency at posible itong maantala kung ititigil ang state of emergency.
Matatandaang isinailalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa sa state of public health emergency noong March 2020 bilang hakbang para tugunan ang covid-19 pandemic na nakatakdang magtapos sa darating na Setyembre.
Nabatid na mananatili ang state of public health emergency hanggat hindi binabawi ni Pangulong Marcos Jr. ang naturang deklarasyon.