Nagpaalala sa mga lokal na pamahalaan ang Ecowaste Coalition sa pagpili ng pinturang gagamitin sa mga pedestrian lane ngayong pagbubukas ng klase.
Hirit ng grupo, dapat gumamit ang mga LGUs ng lead-safe paints sa pagpipintura ng markings sa kalsada at sa speed humps ng mga school zone.
Mas ligtas anila ang ganitong uri ng pintura dahil pino-protektahan nito ang mga bata at matatanda na makasinghot ng mapanganib na kemikal.
Ibinabala naman ng grupo ang pagkalat ng mga pinturang may taglay na lead sa kabila ng pag-phase out dito ng pamahalaan.
Batay sa pag-aaral, ang exposure sa lead ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak o sa nervous system ng isang bata at maka-aapekto sa kanyang paglaki, pananalita, pandinig at pag-uugali.