Hinimok ng Department of Transportation (DOTr) ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd), namaglagay ng bike racks at shower sa mga paaralan.
Ayon kay Transporation Secretary Jaime Bautista, makatutulong ito upang mahikayat ang mga mag-aaral, guro at school personnel na gumamit ng bisikleta.
Iniangkla ni Bautista ang mungkahi sa Department Order 2020-014, kung saan pinapayagan ang mga kabataang edad 15 anyos pataas na gumamit ng bisikleta sa national at primary roads basta may kasamang matanda.
Samantala, nagpaalala rin ang DOTr sa mga motorista na sumunod lagi sa batas-trapiko lalo na ngayong balik-eskwela na ang mga mag-aaral.
Umapela rin ang opisyal sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) na mag-deploy ng maraming traffic enforcers at marshals lalo na sa mga school zone.