Patay na at nakalagay sa sako ang pitong taong gulang na babae nang matagpuan ito sa Pila, Laguna.
Ayon kay Erna Amadeo, naglalaro lang sa labas ng bahay ang kaniyang anak na si Leah Joy sa Barangay Masico nang bigla na lang itong mawala.
Noong araw ding iyon, may nakitang sako ang kanilang kapit-bahay.
Nang buksan ito ng ama ng biktima na si Edmundo, dito na nila nakita ang hubad nilang anak na may lupa pa sa mata at bibig.
Hinihinalang ginahasa ang paslit at pinagbintangan naman ng pamilya ang 14 anyos nilang kapit-bahay na marami na umanong reklamong natatanggap.
Gayunman, nang puntahan ng mga otoridad, wala na sa bahay ang lalaki.
Naganap ang krimen isang buwan matapos ang kahalintulad na insidente sa San Pedro City.