Nangunguna ngayon sa listahan ng 24-man ng Gilas Pilipinas sina Utah Jazz Star Jordan Clarkson at Adelaide 36ers big man Kai Sotto para sa 4th window ng Asian Qualifiers ng 2023 FIBA World Cup.
Sa inilabas na listahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), kasama sa dalawang international talents sa listahan ang pinaghalong overseas campaigners, PBA players at amateurs.
Ang mga lalaro sa nasabing kompetisyon ay kinabibilangan ng magkapatid na Kiefer at Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks, Dwight Ramos, June Mar Fajardo, CJ Perez, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Arvin Tolentino, Robert Bolick, Jamie Malonzo, Ian Sangalang, Jio Jalalon, Calvin Oftana, Kevin Alas, Chris Newsome, Allein Maliksi, Raymond Almazan, Roosevelt Adams, Carl Tamayo, Francis Lopez, at Kevin Quiambao.
Samantala, sa naging pahayag ng SBP, kanilang aalisin sa pool ang mga manlalaro mula sa nanalo sa do-or-die ng PBA semis game noong Miyerkules sa pagitan ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts.
Magsisimula ang 2023 FIBA World Cup sa Agosto a-25 na tatagal hanggang Setyembre a-10 kung saan, makakalaban ng Gilas ang Lebanon sa Mall of Asia arena sa Beirut at Saudi Arabia.