Nahaharap sa tatlong mabibigat na kaso ang isang dating barangay chairman na inaresto makaraang ikasa ang search and warrant operation ang mga otoridad sa brgy. Wagud, Pinukpuk, Kalinga.
Nabatid na inaresto ang suspek na kinilalang si Reynold Sagmayan Gongob, 47-anyos matapos mag-isyu ng search and warrant operation si Judge Jerson Angog ng Branch 25 Regional Trial Court, Tabuk City Kalinga sa tulong narin ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit, Regional Intelligence Division, at Kalinga Provincial Police Office.
Ayon sa mga otoridad, si Gongob ay kabilang din sa regional top ten on illegal drug personality, na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002; paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act; at paglabag sa Presidential Decree 705 o Illegal Logging.
Nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang dalawang heat sealed plastic sachets na naglalaman ng umano’y shabu na may timbang na aabot 12 gramo at may halagang P81,600; 7 pang small heat-sealed plastic transparent sachets ng shabu na may timbang na 2 gramo at may halagang P13,600.
Bukod pa diyan, nakuha din ng mga operatiba ang isang box na naglalaman ng 20 rounds ng caliber 7.62 ammunition; isang box na naglalaman ng 40 rounds ng caliber 5.56 mm ammunition; anim na piraso ng caliber 7.62mm ammunition; 11 piraso ng caliber 5.56mm ammunition; dalawang piraso ng cal .45mm ammunition; apat na pirasong blasting cap at isang maliit na fuse; isang gun suppressor; tatlong piraso ng short magazine ng caliber 5.56mm; isang magazine para sa caliber .45mm; isang piraso ng mi911 a2 cal.45 pistol case at isang bandolier.
Nakuha naman sa bakuran ng suspek ang 61 piraso ng narra flitches; pitong molave flitches; limang acacia at isang tapol, na may kabuuang board feet flitches na 946.79 na nagkakahalaga ng mahigit P106,408 at dalawang unit chainsaw.