Tinalakay kahapon sa naging cabinet meeting ang pagtitiyak ng seguridad ng pagkain at suplay ng kuryente sa bansa.
Ayon kay press Secretary Trixie Cruz-Angeles, napag-usapan ng mga miyembro ng gabinete ang mga inisyatiba ng Department of Agriculture (DA) maging ang mga paraan at hakbang ng Department of Energy (DOE) para masigurong mayroong sapat, accessible, at murang presyo ng enerhiya sa bansa.
Bukod sa dalawang nabanggit na isyu, napag-usapan din sa meeting ang programang “pambansang pabahay para sa mga pilipino” na programa naman ng Department of Human Settlements and Urban Development.
Sinabi ni Angeles na patuloy na magsasagawa ng mga pagpupulong ang mga miyembro ng gabinete para sa iba’t-ibang suhestiyon sa muling pagbangon ng bansa mula sa pandemiya.