May basbas na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pag-a-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles makaraan ang pulong sa malakanyang ni Pangulong Marcos kasama si Senate President Juan Miguel Zubiri at mga nasa sugar industry.
Ayon kay Cruz-Angeles, mismong malalaking business owner na gumagamit ng asukal sa kanilang produkto ang nakausap ni PBBM noong Miyerkules.
Gayunman, wala pa anyang itinakdang panahon kung kailan mag-i-import ng asukal.