Bumaba ang weekly positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Octa research fellow Dr. Guido David, bumaba ito sa 15.3% noong August 17 mula sa 17.2% noong August 10.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa dami ng indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga nagpa-test.
Sumampa naman sa 40% mula sa 36% ang healthcare utilization rate at ICU occupancy rate sa 36% mula sa 33% sa rehiyon.
Matatandaang sinabi ng OCTA research na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.