Nakaamba na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito’y matapos ang 7 linggong sunod-sunod na rollback sa presyo ng langis.
Ayon sa Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, tinatayang nasa higit 2 pesos ang posibleng dagdag sa presyo sa kada litro ng diesel at kerosene, habang nasa P0.25 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Paliwanag ng ahensya, lumaki ang pagbaba sa imbentaryo ng krudo ng United States habang ramdam pa rin ang kakulangan sa suplay ng petrolyo dahil sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.