Patay ang isang pulis sa Northern Samar Police Provincial Office matapos aksidenteng mabaril ang kaniyang sarili.
Kinilala ng Philippine National Police ang biktima na si Police Corporal Mar Dino Estellero, 35- anyos at residente ng Barangay Balite San Jose, Northern Samar.
Batay sa imbestigasyon, nililinis ni Estellero ang kaniyang baril nang dumulas ang kaniyang kamay at makalabit ang gatilyo.
Dito na pumutok ang baril at tinamaan sa ulo ang biktima.
Agad namang rumesponde sa lugar ang MDRRMO at mabilis ng isinugod sa hospital ang Pulis pero idineklara din itong Dead on Arrival.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP ukol sa nangyaring insidente.