Pinababalik muli ng ilang mambabatas ang panukalang isulong ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Sa House Bill 501 na inihain nina Davao City Rep. Paolo Duterte, Benguet Rep. Eric Yap at Edvic Yap at Jeffrey Soriano ng ACT-CIS, isinulong ng mga itong irekomenda muli ang paggamit ng pagbibigti, firing squad, at lethal injection laban sa mga heinous criminals.
Sa oras na maisabatas, ang mga kasong papatawan ng kamatayan ay ang mga napatunayang nagkasala sa kasong Treason, Qualified Piracy, Qualified Bribery, Parricide, Murder, Infanticide, Rape, Kidnapping at Serious Illegal Detention.
Kasama rin dito ang Robbery with Violence, Destructive Arson, Plunder, Importation, Manufacture, and Trading of Dangerous Drugs, Carnapping, at Planting of Evidence.
Samantala, inihain naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang House Bill 1543 upang maibasura ang Republic Act 9346, ang batas na nag-alis ng parusang kamatayan.